-- Advertisements --
MAGALONG AQUINO

BAGUIO CITY – Ipinagmamalaki ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagtaas ng kahusayan ng contact tracing dito sa bansa sa mga nakakasalamuha ng mga Coronaviris disease 2019 (COVID-19) patients.

Ayon sa kanya, bunga ito ng patuloy na pag-capacitate o pagtuturo nila sa
pamamaraan ng epektibong contact tracing sa ibat-ibang mga lokal na pamahalaan sa bansa na kanilang binibisita.

Puntirya nila na maging 1:30 o isang contact tracer kada 30 close contacts ng isang covid patient ang average ratio ng contact tracing sa bansa o

kung saan kailangan aniyang maging 1:37 ang ratio sa urban areas habang 1:30 naman sa rural areas.

Unti-unti aniyang tumaas ang kahusayan ng contact tracing sa mga local government units (LGUs) mula ng magsimula ang pagtuturo niya sa epektibong contact tracing noong Hunyo.

Partikular na ipinagmalaki niya ang pagtaas sa 1:11 na ratio sa mga LGUs ng Region 1 o Ilocos Region, Region 2 o Cagayan Valley ken Region 11 o Davao Region habang pinakamataas ang Cordillera Region na may 1:22 ratio.

Gayunman, inamin niya na pahirapan pa rin ang contact tracing sa ibang mga rehiyon sa bansa gaya ng National Capital Region (NCR) bagaman tumaas na sa 1:5 ratio ang effeciency ng kanilang contact tracing mula sa dating 1:2 ratio.

Sinabi pa ni Magalong na isa sa epektibong bahagi ng contact tracing ang paggamit ng mga digital applications para sa contact tracing gaya ng StaySafe.Ph.