Sinuspendi at pinagsisibak ang ilang mga healthcare workers sa mga ospital sa New York matapos na tumangging magpabakuna kontra COVID-19.
Ginawa na kasing mandato ng New York state para sa mga health care workers na magpaturok ng at least one dose ng vaccine.
Ang pangyayari ay nagresulta naman ng shortage o kakulangan sa mga health workers sa ilang mga ospital.
Ayon kay Dr. Mitchelle Katz, head ng NYC Health +Hospitals na sa 11 public hospitals sa New York, aabot sa 5,000 mula sa 43,000 empleyado ang hindi pa bakunado.
Nasa 95% nurses naman ang bakunado samantalang bukas at fully functional ang kanilang pasilidad.
Ayon naman kay New York Governor Kathy Hochu na ang mga healthcare workers na nasibak dahil sa pagtangging magpabakuna kontra COVID-19 ay hindi eligible na makakuha ng unemployment insurance maliban na lamang kung makapagsumite ng valid doctor-approved request para sa medical accommodation.
Nauna rito, nagisyu ang New York health department ng isang direktiba noong nakalipas na buwan na lahat ng healthcare workers ay obligadong magpaturok ng at least first dose ng vaccine hanggang Setyembre 27 .