CEBU CITY – Umapela ang University of the Philippines – Cebu Campus sa Department of National Defense (DND) at sa pamahalaan na bawiin ang termination sa 1989 UP-DND Accord.
Sa isang statement, inihayag ng nasabing unibersidad na layunin lang nang kasunduan ay pagtaguyod sa freedom of expression, sa pamamagitan ng Academic Freedom, Malayang pagsusuri sa politika ng bansa, at responsabling pagpuna sa pamahalaan.
Layon rin ng kasunduan ang pagprotekta sa mga UP community laban sa anungman uri ng iligal na pag-aresto o pagkakulong.
Tinuturing rin ng UP ang kasunduan bilang isang sagradong dokumento na nagpapakita sa kooperasyon at respeto sa autonomiya ng unibersidad at ang pagkilala ng gobyerno sa UP bilang “National University”.
Nababahala na rin ang UP sa ginawang hakbang ng DND sa pagterminate ng kasunduan lalo na sa kontrobersya ng red-tagging kung saan kamakailan lang ay isang propesor sa UP-Cebu campus na si Regletto Aldrich Imbong ang nakatanggap naa Death threat o banta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng text messages dahil sa pagiging aktibo nito sa public service lalo na sa pagiging lider sa Employee Union sa UP Cebu.
Dinepensahan ng UP-Cebu ang naturang propesor at iginiit na hindi ito terorista o insurgents. Humiling narin ang nasabing unibersidad na tapusin na ang lahat nga mga baseless accusation at red-tagging sa kanilang mga konstiwente.
Samantalang, hinihiling ng University of the Philippines (UP) – Cebu campus sa gobyerno na muling pag-isipan o bawiin ang termination sa nasabing kasunduan.Dagdag pa nito na handa ang universidad sa anuman dialogo at diskusyon upan pag-usapan ang maaring solusyon sa problema sa recruitment ng mga rebeldeng grupo sa loob at labas ng campus at ma-proteksyunan na rin ang mga estudyante at ang bansa laban sa mga insurgency.