-- Advertisements --

Nanguna ang graduate mula University of the Philippines-Manila (UP) na pumasa sa 2020 Physician Licensure Examinations (PLE).

Mayroong 88.68 percent ang nakuha ni Jomel Garcia Lapides na siyang nangibabaw sa mahigit na 3,500 na mga pumasa.

Nanguna naman ang Cebu Institute of Medicine sa top ten performing schools kung saan mayroong 100% ang passing rate na pumasa lahat ang buong 138 na examinees.

UP PLE

Pumangalawa ang University of Philippines-Manila na mayroong na mayroong 144 na pumasa sa kabuuang 146 habang pangatlo ang Ateneo School of Medicine and Public Health na mayroon 141 ang pumasa mula sa 143 na examinees.

Isa sa kabilang na pumasa sa nasabing pagsusulit ay ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Janine Patricia Robredo mula sa Ateneo School of Medicine and Public Health.

Nagtapos ito noong Hulyo na mayroong dual degree sa Doctor of Medicine and Master of Business Administration.

Sa kaniyang social media, nag-post pa si vice president na “Doctor na si Tricia!”