-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng UAAP Season 84 ang University of the Philippines matapos na makuha ang come-from-behind win laban sa La Salle sa score na 78-74.

Binuhat ni UP Maroons rookie Carl Tamayo ang koponan matapos na nagtala ito ng 19 points.

Hawak pa ng La Salle ang kalamangan 71-61 sa natitirang apat na minuto ng laro ng umarangkada si Tamayo.

Ito na ang unang pagkatalo ng Blue Eagles sa loob ng tatlong taon.

Dahil dito ay makakaharap ng UP Maroons ang Ateneo parasa best-of-three finals na magsisimula sa Mayo 8.