Nanguna ang University of the Philippines (UP) bilang topnotcher school sa November at December 2024 Civil Engineers Licensure Examination ayon yan sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC).
Inanunsyo ng PRC na sa kabuuang 18,436 na mga bilang na kumuha ng pagsusulit sa Civil Engineer Licensure Examination halos 6,835 sa mga ito ang tanging pumasa.
Pinangunahan naman ng Board ng Civil Engineering na sina Engr. Praxedes P. Bernardo, Chairman; Engr. Pericles P. Dakay at Engr. Romeo A. EstaƱero, ang pagbibigay ng pagsusulit sa mga examiner.
Bukod sa UP Diliman kasama rin sa mga topnotcher school ang Carlos C. Hidalgo Memorial State University – Talisay ang ika-pangalawang puwesto na sinundan naman ng Pamantasang Lungsod ng Maynila.
Inilabas rin ng PRC ang mga Top 10 finalist sa Civil Engineers Licensure Examination.
Maguumpisa naman sa December 23, 2024, ang online registration para sa pagkuha ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration.
Manatili namang nakasubaybay sa iba’t-ibang mga platform ng tanggapan ng PRC para sa announcement ng oathtaking ceremonies o pumunta sa www.prc.gov.ph para sa buong listahan ng mga nakapasa sa 2024 Civil Engineers Licensure Examination.