MANILA – Nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang isang Pinoy scientist bilang isa sa mga pinaka-unang tao na makakarating sa “Emden Deep,” na ikatlo sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan sa mundo.
Napili ang microbial oceanographer ng University of the Philippines – The Maritime Science Institute na si Dr. Deo Florence Onda na sumali sa Emden Deep Expedition, na magsisimula sa March 22 hanggang 28, 2021.
“He will be joined in the descent by Mr. Victor Vescovo, the current record holder of the deepest manned descent in the Marianas Trench in 2019,” batay sa press release.
May lalim na 10,400-meters o 34,100-feet ang Emden Deep na matatagpuan sa Philppine Trench.
Ang private organization na Caladan Oceanic ang nag-imbita kay Dr. Onda. Kilala ang grupo na may hawak ng record sa pagpunta sa mga pinaka-malalalim na trench ng daigdig.
Pinakahuli nilang pinuntahan ang Marianas Trench, na pinakamalalim na bahagi ng dagat sa buong mundo.
Ayon sa UP-MSI, maihahalintulad sa mga naunang space flights ang deep expedition, kaya malaking karangalan na may Pilipinong kasali sa pag-aaral.
“The Philippine Trench is a unique feature found within the EEZ of the Philippines, and it is only appropriate that a Filipino scientist be one of the first to hold this record in the Emden Deep.”
Sa ngayon nakasampa na sa DSSV Pressure Drop ang expedition team. Ito ang natatanging marine vessel na may kakayahang mag-launch ng deep-sea submersible DSV Limiting Factor. May kapasidad ito na maghatid sa mga tao sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan.
I met her (DSV Limiting Factor) the first time tonight 🙂 She is the only vessel capable of repeatedly diving the deepest trenches. #IntoTheEmdenDeep
Posted by Deo Florence L. Onda on Wednesday, March 17, 2021
Magsisimula ang biyahe ng grupo sa Guam patungong Philippine Trench.
“This endeavor can spark interest and passion for many other young Filipinos who would want to make a career in the sciences and bring more attention to the protection, preservation, and conservation of the Philippine marine environment.”
This is the mighty Philippine sea of the West Pacific 🙂 #IntoTheEmdenDeep
Posted by Deo Florence L. Onda on Wednesday, March 17, 2021
Sa huling Facebook post ni Dr. Onda, nasa bandang na Pacific Ocean ang expedition team na bibiyahe patungo sa Emden Deep.
Makikita naman sa isa pang online post ang pagka-mangha ng Pinoy scientist matapos makaharap ang record holder na si Vescovo, na kanya ring makakasama sa ekspidesyon.
Day 2
— Deo Onda (@savedeocean) March 15, 2021
I met Victor last night. waaahhhh!
He is the current record holder for the deepest manned descent in Marianas in 2019, Victor Vescovo himself =)
malapit na.#IntoTheDeep pic.twitter.com/eXXzw7l7l2
Ayon sa UP-MSI, may abiso mula sa pamahalaan ng Pilipinas ang aktibidad na gagawin ng mga scientists.
“This activity has been fully coordinated with the Philippine Government through the Department of Foreign Affairs and is considered a non-Marine Scientific Research (MSR) activity.”