-- Advertisements --
Nagsama-sama ang mga miyembro at alumni ng University of the Philippines Singing Ambassadors para haranahin ang mga fronliners na lumalaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
https://www.facebook.com/watch/?v=3022106387850265
Sa inilabas na video sa social media, kinanta nila ang “The Prayer” ni Celine Dion at Andrea Bocelli.
Inialay ng grupo ang kanta sa lahat ng mga doctors na pumanaw dahil sa coronavirus.
Ayon sa grupo na labis nilang hinahangaan ang mga frontliners dahil nakataya ang kanilang buhay.
Umabot na sa 29 healthworkers ang nasawi sa bansa matapos dapuan ng coronavirus habang 1,336 naman ang nadapuan ng virus.