-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si University of the Philippines vice president Dr. Teodoro Herbosa.

Ayon sa UP media and public relations office na naghain ng kaniyang resignation “effective immediately” si Herbosa.

Inilagay niya sa kaniyang pagbibitiw bilang personal reason.

Siya rin ang adviser ng National Task Force Against COVID-19 na umani ng batikos dahil sa kontrobersiyal na post nito sa social na tinutuligsa ang ginawang community pantry ng actress na si Angel Locsin matapos na isang senior citizen ang nasawi.

Tinanggap naman ni UP President Danilo Concepcion ang resignation ni Herbosa kung saan labis itong nanghinayang dahil sa matinding dedikasyon na ipinakita ni Herbosa sa kaniyang trabaho.