DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang isinagawang hot pursuit operation sa mga miyembro ng militar laban sa mga tumakas na mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy.Sto.Niño, New Corella Davao Del Norte.
Kung maalala nasa isang amasona ang namatay nangyaring serye ng sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at mga tropa ng 25th IB at 60th IB sa ilalim ng 1001st (PAG-ASA) Brigade Philippine army sa bukiring bahagi ng nasabing lugar.
Ang napatay ay nakilalang si alyas Maria na miyembro ng Guerrilla Front 33 sa ilalim ni alyas Bugoy.
Sa kasagsagan ng operasyon, nahuli si alyas Bugoy at alyas Shane isang squad medic.
Habang sumuko naman ang dalawa pang mga rebelde na sina Doublas Costante alyas Nice at Lovely Rin Marangon alyas Ashley.
Narekober ng militar ang sampung matataas na kalibre ng mga armas na kinabibilangan ng limang mga M16, tatlong M14, isang M653 grenade launcher at isang AK47.
Matagumpay umanong napasok ng militar ang lugar ng mga rebelde sa tulong ng mga komunidad na naging bahagi sa pagtapos ng insurhensiya sa lugar.
Ang labi ng napatay na amasona ay inihatid na ngayon sa kanyang kamag-anak habang nasa kustodiya naman ng otoridad ang mga nakumpiskang armas.