Umakyat na sa apat na indibidwal habang 50 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Dimaporo Gymnasium, Mindanao State University, Marawi City campus kaninang umaga.
Ayon kay Ist Infantry Division Commander, Major General Gabriel Viray III sa apat na fatalities tatlo dito mga babae at isang lalaki.
Kasalukuyang ginagamot naman ngayon sa Amay Pakpak Medical Center ang nasa 42 na sugatan at ang walo ay nasa Infirmary ng Mindanao State University.
Nangyari ang pagsabog kaninang habang ongoing ang misa na siyang unang araw ng advent ng pasko.
Sa ngayon naka-alerto ang pwersa ng militar sa lugar habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon at nakadeploy na rin ang mga EOD team.
” Right now we are on hightened alert at our troops remain vigilant and dini-determine na ang motive ng incident and perpetrators to rally ascertain kung sino talaga and motive nila,” pahayag ni MGen Viray.
Inihayag ni Viray na ang nasabing insidente ay malinaw na isang aksiyon ng terorismo.
Ayon sa Heneral hindi pa nila matukoy ang signature ng bomba dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Dagdag pa nito na posible ang teroristang Dawlah Islamiyah Maute group ang nasa likod ng pamomomba.
Sa ngayon nasa 41 ang remnants ng Maute Group sa Marawi mula sa 100 nuon.
Kamakailan nakasagupa ng mga sundalo ang teroristang grupo sa may Piagapo kung saan namatay sa labanan ang isa sa kanilang subleader.
Tinitignan din ng militar kung ang pagsabog sa Marawi City ay retaliation o paghihiganti ng teroristang grupo.
Inihayag naman ni MGen. Viray na ang pagsabog kaninang umaga ay ang pinaka violent attack na naitala sa Marawi matapos ang Marawi siege.
Siniguro naman ng Heneral gagawin nila ang lahat ng sa gayon hindi na maulit pa ang nasabing insidente.