-- Advertisements --
Kinumpirma ni New York City Mayor Eric Adams na walang pasaherong nakaligtas sa pagbagsak ng helicopter sa Hudson River.
Ayon sa alkalde na patay lahat ang anim na sakay ng helicopter ng makita ito ng mga rescuers.
Base sa impormasyon ng alkalde na ang mga biktima ay pamilya ng piloto na galing sa bansang Spain.
Kinabibilangan ito ng tatlong bata at tatlong may-edad na.
Nakikipag-ugnayan na ang alkalde sa gobyerno ng Spain para sa pagkakakilanlan ng mga biktima.