(Update) CENTRAL MINDANAO – Lomobo ngayon ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa kalat-kalat na sagupaan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Unang nagkasagupa ang tropa ng Joint Task Force Central sa bahagi ng Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Plano sana na salakayin daw ng mga terorista ang Joint Peace and Security Team (JPST) outpost ng militar, PNP at MILF kaya nagresponde ang mga sundalo.
Nagka-engkwentro rin ang mga sundalo at BIFF sa Brgy Pusaw, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Tumulong rin ang Philippine Air Force at binomba ang kuta ng Dawlah Islamiya terror group ng BIFF sa SPMS Box.
Umakyat na sa pito ang nasawi sa BIFF at tatlo ang nasugatan sa militar.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ang BIFF sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan at Shariff Saydona Mustapha sa lalawigan ng Maguindanao.