(Update) Siyam na ang kumpirmadong patay sa pagbagsak ng eroplano sa Mira Monte Village, Brgy. Pansol, Calamba, Laguna.
Una rito, nagmula sa Dipolog City, Zamboanga del Norte ang eroplano na may lulan na walong katao patungong Metro Manila dahil sa may dala silang pasyente na ipapagamot.
Sa imbestigasyon ng Laguna Police Provincial Office, dakong alas-3:34 ng hapon ng Linggo nang bumagsak sa private resort ang isang uri ng Medevac plane.
Kinilala ang mga nasawi na sina Captain Jesus Hernandez ang piloto ng eroplano, First Officer Lino Cruz Jr (co-pilot), Dr. Garret Garcia, mga nurse na sina Kirk Eoin Badiola at Yamato Togawa, Ryx Gil Laput, Raymond Bulacja, Australian national at pasyente na si Tom Carr at asawang si Erma Carr.
Itinakbo naman sa pagamutan ang mga nasugatan na caretaker ng resort kung saan bumagsak ang eroplano na kinilalang sina John Ray Roca at Malou Roca, 49.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad na pinangungunahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa insidente.