-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakikipag-ugnayan na ngayon ang mga otoridad sa management ng Mindanao Star Bus matapos ang nangyaring pagsabog ng Improvised Explosive Device(IED) sa passenger bus nito sa Purok Narra, San Mateo, Aleosan, North Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Patrolman Karl Gecosala, imbestigador ng Aleosan Municipal Police Station patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo at anong grupo ang nasa likod ng pangyayari.

Ayon rito, pito ang nabiktima kung asa lima dito ang nasa sa ICU Cotabato Regional Medical Center.

Dakong alas 10:30 ng umaga ng binawian ng buhay ang isa sa naging kritikal na si Haron Solaiman Jr. 5 months old. na residente ng Kidapawan City.

Sinabi ni Patrolman Gecosala, nasa state of shock pa rin ngayon ang driver at konduktor ng bus.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng Explosive Ordnance Disposal Team, nasa likod iniwan ang eksplosibo.

Ang pinasabugan ng passenger bus na may body number 15511 ay mula sa Davao City at patungo ng Cotabato City.