STO. DOMINGO, Dominican Republic – (Update) Umabot sa 79 na katao ang nasawi, kabilang ang Major League Baseball star na si Octavio Dotel, matapos bumagsak ang bubong ng Jet Set nightclub sa Dominican Republic.
Nasa entablado ang sikat na singer na si Rubby Perez nang maganap ang sakuna, kung saan siya at maraming iba pa ang na-trap sa ilalim ng mga guho.
Mahigit 370 rescue personnel ang nagsagawa ng pagsisikap upang hanapin ang mga survivor mula sa mga tambak ng bricks, bakal, at mga yero.
Ayon sa mga ulat, kabilang sa mga namatay ang gobernador ng Monte Cristi na si Nelsy Cruz, ngunit ang katawan ni Perez ay hindi pa kumpirmadong natagpuan.
Ang sakuna ay nangyari sa kasagsagan ng blackout; maraming tao ang nag-akala na isang lindol ang nangyari, ayon sa mga saksi.
Idineklara ni Pangulong Luis Abinader ang tatlong araw ng national mourning bilang tugon sa trahedya.
Patuloy na umaasa ang mga awtoridad na may mga buhay pang maililigtas sa ilalim ng mga guho habang nanawagan ng donasyong dugo para sa mga biktima.