-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpapatuloy ang joint manhunt operation ng mga otoridad upang mahuli ang mga responsable sa pananambang sa apat na pulis sa Barangay Koronadal Proper ng Polomolok South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni PCapt. Rommel Hitalia, Deputy Chief of Police ng Polomolok Municipal Police Station(MPS), kinilala nito ang mga biktima na sina PCpl. Witzel Russ Bitantos at Patrol Man Bryan Costello.

Ayon dito, nagsasagawa ng motorcycle patrol operation sa nasabing lugar ang mga biktima at pauwi na nang tinambangan ng nasa hindi bababa pitong mga armadong kalalakihan.

Aniya, naka-retaliate ang dalawa pang kasamang pulis ngunit mabilis na nakatakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon.