-- Advertisements --

Naglabas ang World Health Organization WHO), Food and Agriculture Organization (FAO) at World Organisation for Animal Health (WOAH) ng updated na pagsusuri sa influenza A(H5) virus sa hayop at tao noong Abril 17, 2025.

Sa kasalukuyan, itinuturing na mababa ang panganib ng influenza A(H5) sa kalusugan ng publiko, ngunit mababa hanggang katamtaman ang panganib para sa mga may occupational exposure.

Tuloy pa rin ang transmission sa pagitan ng mga hayop, at may limitadong bilang ng mga naiulat na impeksyon sa tao.

Inaasahan ang karagdagang impeksyon sa tao dahil sa exposure sa infected animals o contaminated environments, ngunit mababa ang global public health impact nito.

Sa Mexico, unang naitala ang kumpirmadong kaso ng human infection ng avian influenza A(H5N1) virus noong Abril 2, 2025 sa Durango, at iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng impeksyon.

Ang mga human infection ng bagong influenza A virus subtype ay itinuturing na mahalagang health event, ngunit mababa ang panganib sa pangkalahatang populasyon ayon sa kasalukuyang impormasyon.

Patuloy na binabantayan ng WHO at mga partner ang global epidemiological situation upang agad na matugunan ang anumang pagbabago sa panganib ng virus.