-- Advertisements --
bikoy1
IMAGE | Screenshot from the alleged “Bikoy” video

(Update) MANILA – Pinangalanan na ng Department of Justice (DOJ) ang person of interest sa viral video ng isang alyas Bikoy na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Sa isang press conference, kinilala ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang naaresto na si Rodel Jaime na creator umano ng online website na Metro Balita.

Ayon kay Guevarra, April 17 pa nang ipag-utos niya sa Office of Cybercrime at National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang imbestigasyon sa kontrobersyal na video.

Nitong April 29 naman nang maglabas ng search warrant si Makati City Regional Trial Court judge Andres Soriano para kay Jaime.

Una rito, isang nagpakilalang “Bikoy” na lalaking nasa isang video na tago ang mukha at nagsasabing sangkot umano ang ilang miyembro ng pamilya Duterte sa illegal drugs trade.

Sa ngayon hindi pa masabi ng NBI kung ang naarestong si Jaime ang siya ring gumawa ng kontrobersyal na video.