-- Advertisements --

Nakatakdang magsimula ang operasyon ng Upper Wawa Dam sa pagtatapos ng 2025.

Sa isang pahayag, sinabi ng Prime Infra-led WawaJVCo Inc. na ang pag-unlad ng konstruksyon sa Upper Wawa Dam, na siyang pangalawang yugto ng Wawa Bulk Water Supply Project, ay higit sa 70 porsiyento na ngayong Disyembre 2023.

Ang 85-meter roller-compacted concrete dam ay nakatakdang makumpleto sa loob ng ilang buwan, na susundan ng pagkumpleto ng natitirang bahagi ng planta.

Sa oras na gumana, ang dam ay inaasahang magbibigay ng mahigit 700 million liter kada araw (MLD) ng supply ng tubig sa mga residente ng kalakhang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang lalawigan ng Rizal.

Ang Upper Wawa Dam ay makakatulong din na mabawasan ang pangmatagalang problema ng pagbaha sa mga downstream na lugar at lokalidad ng Marikina River.

Ang Wawa Bulk Water Supply Project sa Rizal ay isa sa mga pangunahing proyekto ng imprastraktura ng pambansang pamahalaan na tutugon sa seguridad ng tubig, partikular sa lugar ng serbisyo ng MWSS.

Ang proyekto ay ang pinakamalaking water supply dam na ginawa sa mahigit 50 taon nang itayo ang Angat Dam.

Una na rito, ang naturang dam ay magtataas ng kapasidad ng Manila Water Company (MWC) ng mahigit 30 porsyento.