-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Department of Migrant Workers ang upskilling program para sa mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas.

Sa naganap na pagpupulong ng mga ministro mula sa iba’t ibang mga bansa, ipinagmalaki ng naturang kagawaran ang sampu nitong nakausap na naghayag ng interes sa mga Pilipinong mangagawa.

Kung saan, sinabi mismo ni Undersersecretary Patricia Yvonne Caunan ng Department of Migrant Workers na patuloy ang kanilang pakikiugnayan sa mga ito upang makapagdala pa ng mga Fillipino skilled workers abroad.

‘Tama po iyon, sampu ang naging kausap ng Department of Migrant Workers nung tayo po ay pumunta at dumalo sa global labor market conference,’ ani Undersecretary Patricia Yvonne Caunan ng Department of Migrant Workers (DMW).

‘At nagkaroon po tayo ng pag-uusap sa sampung bansa namely po, of course unang una po sa lahat ang Kingdom of Saudi Arabia, Finland po, The Bahamas, Oman, Jordan, Egypt, Indonesia, Tajikistan, Kyrgyzstan at Libya,’ dagdag pa ni Usec. Patricia Yvonne Caunan ng DMW.

Ani pa niya, layunin kasi ng kagawaran na mapalawig ang inilulunsad nitong upskilling program para sa mga Overseas Filipino Workers dahil ito umano ang hinahanap ng mga bansang kanilang nakausap.

‘Yung efforts on upskilling ng ating mga Filipino workers noh continuous upskilling. Napag-usapan din po sa ibang mga bansa ang need for caregivers na align po duon sa eforts ng department,’ ani Usec. Patricia Yvonne Caunan ng DMW.

Bagama’t marami ng Pilipinong manggagawa abroad, hindi ito naging hadlang para bumaba ang demand bagkus, ipinahayag ng naturang secretary na malakas pa rin ang bansa pagdating sa global care economy.