BUTUAN CITY – Inaasahang tatagal pa ng hanggang 2 buwan ang upward trend ng mga kaso sa COVID-19 sa buong Caraga Region kumpara sa ibang mga rehiyon ng bansa na may naitatala ng bumababang kaso.
Ito’y dahil bago pa lang nagpatupad ng mass testing ang mga probinsyal na pamahalaan ng Agusan del Sur at Surigao del Sur na kakaiba sa ibang mga rehiyon gaya ng National Capital Region na matagal-tagal ng gumagawa nito.
Ayon kay Dr. Dioharra Aparri, ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit-Health Emergency Management Staff (RESU-HEMS) cluster head ng Department of Health (DOH) Caraga, na maliban pa ito sa isinasagawang active case findings ng mga LGUs hanggang sa 3rd generation contacts ng mga COVID-19 positives at pagsasa-ilalim sa kanila sa swab tests may simtomas man o wala.
Isa umano ito sa magandang practice na dapat sana’y noon pa ipinatupad.