-- Advertisements --
Isinusulong ngayon ng DENR ang urban green space na layong mabawasan ang pagtaas ng mataas na heat index sa bansa.
Ayon sa ahensya, kabilang ito sa kanilang ginagawang mga interbensyon upang malabanan ang init ng panahon partikular na sa mga highly urbanized na lugar.
Ang urban green space ang makatutulong din na mabawasan ang epekto ng Urban Heat Island.
Ipinaliwanag pa ng DENR na ang Urban Island Heat Effect ay ang mataas na temperatura na madalas na nararanasan sa mga urban areas.
‘Di aniya tulad sa mga lugar na mas marami ang lupa, mas mabilis na mawala ang init kumpara sa mga sementadong lugar na na-ta-trap ang init sa ibaba nito.
Ito rin ang dahilan kung bakit mas mainit ang mga lungsod kumpara sa mga rural areas.