Nagsagawa ng mga tauhan ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps ng Urban Operations Training sa ikaapat na araw ng Marine Exercise 2024 (MAREX24) sa bahagi ng circumferential road ng Headquarters ng 1st Marine Brigade sa Maguindanao del Norte.
Ayon kay 1st Marine Brigade commaner, BGen, Eric Macaambac layunin nito mabigyan ng kaukulang kaalaman at skills ang kasundaluhan pa hinggil sa Urban Operations.
Isa sa pinaka epektibo ng halimbawa ng Urban Operations ay ang Close-Quarters Combat na isang tactic na ginamit ng kasundaluhan sa naganap na Marawi Siege noong taon 2017.
Isinagawa ng mga kalahok sa MAREX24 ang kanilang practical exercises sa bisinidad ng 64th Force Reconnaissance Company kung saan ginamit din nila ang parehong exterior at interior movement tactics.
Bahagi ito ng pagpapalakas pa hindi lamang ng combat skills ng kasundaluhan kundi nagsisilbi ring paghahanda sa kanilang puwersa para sa complexities ng modern warfare na layuning bumuo ng puwersa ng handang humarap sa anumang pagsubok upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng buong bansa