Nakasalalay na raw kay Pangulong Rodrigo Duterte kung nais nitong sertipikahang urgent ang panukala na naglalayong gawing kriminal ang red-tagging.
Ito ang naging tugon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sertipikahang urgent ng President ang Senate Bill 2121 dahil kashit si Guevarra ay sinusuportahan din ang pagpasa ng naturang proposal.
Ayon dito ang proponent ng anuman legislative act ay maaaring humingi ng priority consideration upang alamin kung ang kaniyang panukala ay dapat gawing urgent.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Guevarra na may discretion pa rin si Pangulong Duterte kung dapat sertipikahang urgent ang isang panukala, depensa sa exigencies at priorities na inilatag sa legislative agenda ng kasalukuyang administrasyon.
Noong Abril 27, sinabi ni Guevarra na mas makabubuti kung ipatutupad ng Kongreso ang batas na malinaw na nagpapaliwanag sa posibleng kaharapin ng isang indibidwal na sangkot sa red-tagging.
Dagdag pa nito na kung wala ang nasabing batas ay iikot lang ang mga reklamo sa defamation, harassment, coercion, unjust vexation, o violation of privacy laws, pero hindi dahil sa rason ng red-tagging.