LEGAZPI CITY – Kinuwestiyon ni Albay Representative Edcel Lagman ang urgency sa pagpasa ng Kamara sa kontrobersyal na “Anti-Terrorism Bill”.
Direktang sinabi ni Lagman sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mas “urgent” ang pagtalakay sa stimulus package para sa coronavirus pandemic response kaysa sa naturang panukala.
Dagdag pa nito na tila “undeclared martial law” at “act of repression” ang karamihan sa salient points ng panukala partikular na ang posibilidad ng 24 na pag-detain na walang demanda sa mga suspek sa terrorism acts.
Tila lumalabas aniya na sinisira ng panukala ang mga “institutionalized” nang batas.
Na-appreciate naman ni Lagman ang ginawa ni Cong. Ruffy Biazon na principal author at sponsor ng batas na pag-withdraw ng panukala at pagbotong “No” dahil sa pag-adapt ng Senate version nito.
Dagdag pa ni Lagman na kung tuluyan nang maipapasa ang bersyon ng Kongreso, wala nang sapat na proteksyon ang karapatang pantao at tila binawi na ang para sa ciil at political rights.