Inaprubahan na sa third and final reading ng senado ang urgent bill na nagbibigay ng authorization kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagganap ng katungkulan nito sa epektibong paglaban sa pagkala ng coronavirus 2019 o COVID-19.
Related ▶▷Panukalang nagbibigay ng special powers kay Duterte sa COVID-19 response, pasado na sa Kongreso
Sa botong 12-0 ay naipasa ang nasabing urgent bill kung saan pitong senador ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa panukulang batas sa pamamagitan ng phonepatch.
Tanging si Senator Risa Hontiveros ang nagpahayag ng pangontra sa nasabing panukalang batas.
Ang Senae Bill 1418 o “Bayanihan to Heal as One Act” ay ipinanukala ni Senate President Vicente Sotto III at Senator Pia Cayetano na nagbibigay ng otorisasyon sa Pangulo na mag-realign ng available government budget habang nahaharap ang bansa sa health emergency.
Sinabi ni Cayetano na papayagang ang pangulo na galawin ang pondo kung kailangan sa ilalim ng General Appropriations Acts mula sa non-essential to essential items na kailangan p ara sa paglaban sa COVID-19.
Tiniyak din ng senador na hind mapapayagan ang pangulo na mag-take over sa mga private businesses kahit na lumala pa ang krisis.
Nakasaad sa panukalang batas na bersyon ng senado na dapat ay magsumite ang pangulo sa kongreso ng lingguhang ulat ng budget realignments na ginawa ng executive branch para sa pagsuporta sa coronavirus-related funds.
Nauna ng inaprubahan ng House of Representatives ang kanilang bersyon ng panukalang batas.