Nangako ang Qatar na magbibigay ito ng $480 million o halos dalawang bilyong piso para sa mga Palesitinians na nadamay sa gulo sa pagitan ng Israel at Gaza.
Ito ay kasunod ng ceasefire na napagkasunduan ng dalawang panig.
Sa pahayag na inilabas ng Qatar Foreign Ministry, ang $300 milyong dolyar ay upang suportahan ang mga programang pang edukasyon at pang kalusugan na pinangungunahan ng Ramallah-based Palestinian Authority.
Samantala, $180 milyong dolyar naman ang ilalaan para sa humanitarian relief na programa ng United Nation at pati na rin upsng makatulong sa panunumbalik ng elektrisidad sa nasabing lugar.
Tumagal ng halos tatlong araw ang bakbakan sa pagitan ng Gaza Strip at southern Israel na nauiwi sa pagkamatay ng 25 Palestinians at apat na Israelis.