Nanalasa na sa Eastern visayas ang typhoon Ursula, matapos mag-landfall kaninang alas-4:45 ng hapon sa Salcedo, Eastern Samar ang mata ng bagyo.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 95 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.
Signal No. 3:
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Camotes Islands.
Signal No. 2:
Southern portion ng Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island, Romblon, Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands, extreme northern Cebu kasama na ang Bantayan, northeastern Iloilo, northern Antique, Capiz, Aklan, Southern Leyte, extreme Northern Negros Occidental at Dinagat Islands
Signal No. 1:
Bulacan, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, natitirang parte ng Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, northern Palawan, Calamian Islands, Cuyo Islands, nalalabing bahagi ng northern Cebu, Central Cebu, northeastern Bohol, natitirang parte ng Antique, natitirang bahagi ng Iloilo, maging sa Guimaras, northern Negros Occidental, northern Negros Oriental, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands