-- Advertisements --

Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ursula.

Ayon sa Pagasa, ganap na alas-9:50 ng umaga nang mag-exit ito sa Philippine territory.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 595 km sa kanluran ng Subic, Zambales.

Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 10 kph.

May lakas itong 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Sa ngayon tail end ng cold front ang nakakaapekto sa Pilipinas at naghahatid ng ulan tuwing hapon at gabi.