Itinuturing na kakaibang uri ng bagyo ang typhoon Ursula dahil sa pananatili ng lakas nito kahit naka-apat nang landfall, simula kahapon ng hapon.
Una itong tumama sa Salcedo, Eastern Samar (4:45 PM Dec. 24, 2019); Tacloban City, Leyte (7:30 PM Dec. 24, 2019); Cabucgayan, Biliran (9:15 PM Dec. 24, 2019); Gigantes Islands, Carles, Iloilo (2:30 AM Dec. 25, 2019).
Paliwanag ng Pagasa, maliliit na isla ang dinadaanan nito kaya hindi gaanong naaapektuhan ang taglay na lakas ng hangin.
Sa kasalukuyan ay nananalasa ang bagyo sa Western Visayas at mga karatig na lugar.
Huling namataan ang sentro ng typhoon Ursula sa layong 40 km sa silangan hilagang silangan ng Roxas City, Capiz.
Mayroon itong maximum sustained winds na 140 kph at may gustiness na 195 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Signal number 3: (121-170 km/h winds prevailing or expected in 18 hours)
Masbate including Ticao Island, Romblon, southern Oriental Mindoro, southern Occidental Mindoro, Extreme northern Cebu including Bantayan Islands, Capiz, Aklan, northern Antique and northern Iloilo
Signal number 2: (61-120 km/h winds prevailing or expected in 24 hours)
Southern portion of Quezon, Marinduque, the rest of Oriental Mindoro, the rest of Occidental Mindoro including Lubang Island, Albay, Sorsogon, Burias Island, Calamian and Cuyo Islands, Biliran, northwestern Leyte, Northern Samar, Samar, the rest of northern Cebu including Camotes Islands, central Cebu, the rest of Iloilo, the rest of Antique, Guimaras and northern Negros Occidental
Signal number 1: (30-60 km/h winds prevailing or expected in 36 hours)
Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, the rest of Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, and northern mainland Palawan, Eastern Samar, the rest of Leyte, Southern Leyte, Bohol, Siquijor, the rest of Cebu, the rest of Negros Occidental and Negros Oriental