-- Advertisements --

Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na “Phanfone” at may local name na “Ursula.”

Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huli itong namataan sa may boundary ng PAR o sa layong 1,000 km sa silangan ng Mindanao.

Sa ngayon, taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Inaasahang lalakas pa ito hanggang severe tropical storm bago ang landfall sa Eastern Visayas region.