Lumakas pa si bagyong “Ursula” at umakyat sa typhoon category ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Batay sa latest monitoring ng state weather bureau, as of 1:00pm, ay natagpuan sa 95-kilometer East ng Guiuan, Eastern Samar ang bagyo at kumikilos sa direksyon ng Kanluran sa 20-kilometers per hour (kph).
Inaasahang mag-landfall ang bagyo sa pagitan ng alas-4:00 ng hapon at alas-6:00 mamayang gabi sa area ng Borongan ar Guiuan.
May maximum sustained winds na 120-kph ang bagyo malapit sa sentro, at pagbugso na 150-kph.
Itinaas na ang Signal No. 3 sa mga lalawigan ng: Northern Samar, Samar, Eastern Samar Biliran, Leyte, Camotes Islands.
Inalerto naman ang mga sumusunod na lugar dahil sa Signal No. 2: Southern portion of Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island), Romblon, Albay, Sorsogon, Masbate (kasama ang Burias at Ticao Islands) at Extreme northern Cebu (kasama ang Bantayan Islands).
Parehong Signal storm warning din ang itinaas sa: Northeastern Iloilo, Northern Antique, Southern Leyte, extreme Northern Negros Occidental at Dinagat Islands.
Habang Signal No. 1 sa: Bulacan, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, rest of Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, northern Palawan, Calamian Islands, at Cuyo Islands.
Maging sa: Natitirang bahagi ng northern Cebu, Central Cebu, northeastern Bohol, natitirang bahagi Antique at Iloilo; Guimaras, northern Negros Occidental, northern Negros Oriental, Surigao del Norte (kabilang na Siargao at Bucas Grande Islands).
(Please refresh for details)