-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ni US Vice President Kamala Harris na si Doug Emhoff.

Ayon sa kampo ng Second Gentleman na negatibo naman sa COVID-19 ang US vice president.

Wala aniya itong nararamdamang anumang sintomas subalit kailangan pa rin niyang mag-isolate at sumailalim sa regular na testing.

Dahil dito ay nagdesisyon ang dalawa na ipagpaliban ang pagdalo nila sa ilang kaganapan sa White House.

Wala naman nakitang indikasyon ng White House na mayroong sintomas na nararamdaman si US President Joe Biden.