-- Advertisements --

Pumanaw na si Ethel Kennedy ang asawa ng namayapang si Rober F. Kennedy sa edad na 96.

Kinumpirma ito ni dating Massachusetts Rep. Joe Kennedy III ang pagkasawi ng kaniyang human rights activist na lola.

Noong nakaraang linggo aniya ay dinala ang kaniyang lola sa pagamutan matapos na ma-stroke.

Sinabi pa ng dating kongresista na naulila nito ang siyam niyang anak, 34 na apo at 24 na mga apo sa tuhod.

Ikinasal ito sa tinaguriang most influential family kung saan sinuportahan niya ang asawa mula senado ganun din sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong 1968 na nagtapos sa kaniyang assasination ilang bucan bago ang kampanya.

Noong 2014 ay nakatanggap siya ng Presidential Medal of Freedom kay Pangulong Barack Obama.

Nagpatuloy ang kaniyang pagiging aktibista hanggang noong 2018 kung saan kasama pa ito sa hunger strike para sa pagprotesta sa paghihiwalay ng pamilya sa US-Mexico border.