Pumanaw na ang beteranong actor na si Brian Dennehy sa edad na 81.
Sinasabing dahil sa katandaan at sa matagal ng iniindang sakit kaya nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Connecticut.
Nagsimula ang career nito noong dekada 70 sa pamamagitan ng paglabas sa ilang mga TV shows gaya ng “Kojak” , “MAS*H” , “Lou Grant” at “Dallas” bago ang pagbida nito sa pelikulang “Dynasty” noong 1981.
Kasama rin ito sa pelikula ni Sylvester Stallone na Rambo “First Blood”.
Maraming pelikula rin noong dekada 80 at 90 ang pinagbidahan niya gaya ng “Silverado”, “Cocoon”, “The Belly of Architect” , “Best Seller” at maraming iba pa.
Naging theater actor ito at nanalo ng dalawang Tony Awards para sa Best Actor sa pelikulang “Death of a Salesmane” at “Long Day’s Journey Into Night” noong 2003.