-- Advertisements --
Pumanaw na ang US actor, talk-show host at writer na si Charles Grodin sa edad 86.
Ito mismo ang kinumpirma ng anak dahil sa bone marrow cancer.
Ayon pa sa anak nitong si Nicholas nalagutan ng hininga ang ama sa bahay nila sa Wilton, Connecticut.
Bumida si Grodin sa action-comedy na “Midnight Run” kasama niya sa nasabing pelikula ang actor na si Robert De Niro.
Nagwagi rin ito sa Emmy award bilang co-writer sa 1977 Paul Simon television special.
Noong 1990 ay naging host ito ng sariling show.
Isinilang ito sa Pittsburg noong 1935 na isang kilala at respetadong stage performer.