-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang actor na si Danny Masterson dahil sa kasong three counts of rape.

Ayon kay Los Angeles County District Attorney Jackie Lacey, nakalaya din ito pansamantala matapos magbayad ng piyansa na aabot sa $3.3 million.

Taong 2001 at 2003 ng inakusahan ang actor ng panggagahasa ng tatlong babae.

Nakatakda naman sa Setyembre 18 ang pagdinig sa kaniyang kaso.

Sa panig naman ng kaniyang abogado na si Tom Mesereau, ipinaggiitan nito na inosente ang kaniyang kliyente at tiwalang mababasura ang kaso.

Base sa record ng korte na inakusahan ang actor na si Daniel Peter Masterson sa tunay na buhay ng panggagahasa sa 23-anyos na babae mula Enero at Disyembre 2001 at noong 2003 ay inakusahan din itong nanggahasa ng 28-anyos na babae.

Nakilala ang actor sa pagganap nito sa teen sitcom na “That ’70 Show” mula 1998 hanggang 2006.