-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si John Amos sa edad na 84.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak dahil umano sa kumplikasyon sa sakit.

Nakilala siya sa US tv show na “The Mary Tyler Moore Show” kung saan nominado ito sa 29th Emmy Awards.

Nakasama rin ito ni Eddie Murphy sa pelikulang “Coming To America”.

Naulila niya ang kaniyang mga anak na sina Shannon, KC at dating asawa na si Noel Mickelson.