-- Advertisements --
Pumanaw na ang actor na si Louis Gossett Jr sa edad na 87.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito kung saan nalagutan na ito ng hininga sa rehabilitation center sa Santa Monica, California.
Noong 1983 ay siya ang naging pangalawang Black man kasunod ng actor na si Sidney Poitier na nagwagi ng Oscars award.
Nakuha nito noon ang best supporting actor sa romance drama na “An Officer and a Gentleman”.
Bukod sa pagiging actor ay isa rin siiyang producer, director, social activist at founder ng Eracsim Foundation na siyang lumalaban sa racism.