-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Raymond G. Allen SR. sa edad 91.

Ayon sa kaanak nito, nakita na lamang itong walang malay sa isang long-term facility sa California.

Sinubukan pa nila itong iligtas subalit hindi na nila ito naagapan.

Itinanggi nilang ito ay mula sa COVID-19 dahil mula pa noon ay mayroon na itong problema sa paghinga.

Sumikat ito sa ilang comedy TV shows US gaya ng “Good Times” noong dekada ’70 at “Sanford and Son”.

Taong 2016 ng inilagay na ito sa health care facility dahil sa ito ay mayroong pneumonia.