-- Advertisements --

Pumanaw na ang US actor na si Richard Chamberlain sa edad na 90.

Kinumpirma ng kaniyang publicist na si Harlan Boll ang pagpanaw ng actor.

Nagkaroon umano ng kumplikasyon sa stroke ang actor na ito ay namayapa sa kaniyang bahay sa Waimanalo, Hawaii ilang oras bago ang kaniyang kaarawan.

Tinagurian siyang heartthrob king ng TV mini-series.

Sumikat ang actor noong 1961 sa tv series na “Dr. Kildare”.

Mula noon ay nasundan ito ng mga pagbida niya sa ilang serye gaya ng “Shogun” at “The Thorn Birds”.

Taong 2003 ng ibinunyag niyang siya ay isang gay at may kinakasamang lalaki.