-- Advertisements --

Pumanaw na ang US actor na si Richard Roundtree sa edad na 81.

Sinabi ng kaniyang manager na si Patrick McMinn na nalagutan na siya ng hininga sa kanilang bahay sa Los Angeles dahil sa pakikipaglaban sa pancreatic cancer.

Nakilala ang actor sa franchise movie na “Shaft”.

Isinilang noong Hulyo 9, 1942 sa Rochelle, New York at nagsimula ito sa acting noong 1960.

Ang pagganap niya bilang si detective John Shaft ang tumatak sa marami sa edad nitong 29.

Itinuturing na ang pelikula ay siyang nagpasikat ng Blaxploitation films isang action movies na pinagbibidahan ng mga black Americans.