-- Advertisements --
Pinatawan ng sanctions ng Russia ang nasa 25 mga Americans.
Mula sa mga miyembro ng kongreso, negosyante at maging mga American actors.
Kasama sa napatawan ng sanctions ang mga actors na sina Sean Penn at Ben Stiller.
Ang dalawang American actors kasi ay bumisita sa Ukraine noong nakaraang mga buwan para magsagawa ng documentary film.
Ayon sa Russian Foreign Ministry na ang nasabing mga sanctions ay bilang kasagutan sa personal sanctions na ipinapataw ng US.
Ilan sa mga pinatawan ng sanctions ng Russia ay sina US Democratic senators Mark Kelley at Kristen Sinema, Republican senators Kevin Kramer, Michael Rounds, Richard Scott at Patrick Toomey.