Ibinunyag ng American actress na si Olivia Munn na ito ay na-diagnosed na may breast cancer.
Sa social media account nito sinabi niyang noong nakaraang taon ay apat na beses itong sumailalim sa operasyon sa nagdaang 10 buwan.
Dagdag pa ng 43-anyos na actess na kabilang sa kaniyang operasyon ay ang double mastectomy.
Naging agresibo at mabilis na kumalat umano ang kaniyang cancer kaya tila nauubusan na ito ng oras at options.
Nais lamang niyang makawala sa mabigat na sitwasyon kaya ngayon lamang niya ibinahagi ang nasabing balita sa kaniyang kalusugan.
Nadiskubre lamang nito ang cancer matapos ang pagsasailalim sa pagsusuri mula sa 90 iba’t-ibang cancer genes at pagsasailalim sa mammogram.
Ilan sa mga pelikula kung saan kasama ang actress ay ang “Magic Mike” , “Iron Man 2” at “X-Men: Apocalypse”.