-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actress na si Shannen Doherty, sa edad 53.

Ayon sa kaniyang publicist na si Leslie Sloane, hindi na nito nakayanan ang kaniyang breast cancer na siyam na taon na pakikipaglaban.

Nakilala ang actress sa pagganap niya bilang Heather Duke sa pelikulang “Heathers” noong 1989.

Mula 1990 hanggang 1994 ay bumida rin ito sa hit series na “Beverly Hills 90210” at bilang si Prue Halliwell sa series na “Charmed” mula 1998 hanggang 2001.

Taong 2015 ng ma-diagnosed siya na may breast cancer hanggang kumalat na ito sa kaniyang utak.

Isinilang sa Memphis, Tennessee at lumipat ang pamilya nito sa Los Angeles noong bata pa lamang.

Nagsimula ito ng mag-acting sa edad na 19 at kinuha siya sa tv series na “Father Murphy”.