-- Advertisements --

Patay ang isang US Air Force instructor matapos na aksidenteng mag-eject ang kaniyang upuan habang nasa ibaba na.

Kinilala ang biktimang si Captain John Robertson na nasawi ng kaniyang upuan na T-6A Texan II ay nag-activate sa Sheppard Air Force Base sa Wichita Falls, Texas.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit kinaugamahan din ay pumanaw na.
Ang nasabing biktima ay isang multi-awarded na Air Force captain kabilang ang pagkakaroon niya ng Air Force Training Ribbon, Global War on Terrorism Service Medal at Air Force Longevity Service Award.

Ang T-6A Texan II na isang two-seat single-engine turboprop ay ginagamit para sa pagsasanay sa Air Force, Navy at Marine Corps.