-- Advertisements --

Sinubukan na ng US Air Force ang kanilang unarmed nuclear-capable long-range missile.

Ayon sa Air Force Global Strike Command, na ang unarmed Minuteman III intercontinental ballistic missile na mayroong test reentry vehicle ay inilunsad mula sa Vanderberg Air Force Base sa California.

Bumiyahe ito ng 4,200 miles sa test range malapit sa Marshall Island.

Layon aniya ng missile test ay para matiyak ang kahandaan ng bansa sa anumang pag-aatake ng nuclear.

Sinabi ni Steven Wilsion ang tagapagsalita ng AF Global Strike Command na noon pa sanang Agosto 4 ang missile missile testing subalit ipinagpaliban dahil sa nagsagawa noon ang China ng kanilang military drill bilang protesta sa naging pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.