-- Advertisements --
Kinumpirma ng US Navy na bumangga ang nuclear-powered aircraft carrier USS Harry S. Truman sa isang merchant ship sa Mediterranean Sea.
Ayon sa US Navy na walang anumang pinsalang naitala sa pagbangga ng kanilang aircraft carrier sa Panamanian-flagged vessel Besiktas-M.
Nagtamo ng damyos ang merchant ship subalit walang anumang nasugatan sa mga sakay nito.
Ang Besiktas-M ay may habang 617 talampakan na papalabas sana sa Suez Canal at patungong Romania ng ito ay bumangga sa US carrier na may habang 1,100 talampakan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring aksidente.