-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) si United States Ambassador to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Yohannes Abraham, na nagsagawa ng courtesy visit sa National Headquarters, Port Area, Manila.

Ibinahagi ni PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Punzalan Jr. na ang pagbisita ng US official ay upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa iba’t-ibang aspeto.

Aniya, malalim na nakaugat sa matibay na ugnayang pangkasaysayan at pangkultura ng dalawang bansa kaya kapwa nagtataguyod din naman ang mga ito ng demokrasya at karapatang pantao.

Dumalo rin sa pagbisita sina PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Allan Victor Dela Vega; Chief of Coast Guard Staff, Coast Guard Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio; Deputy Chief of Coast Guard Staff for Strategic Studies and Modernization, Coast Guard Captain Eric Ferrancullo; at iba pang tauhan ng PCG.